Usapang Pagkain
Masarap kumain. Mahirap man o may kaya, anumang estado mo sa buhay, lahat siguro nag-eenjoy sa isang masarap na pagkain lalo na kung kasabay mo ang mga taong mahal mo sa buhay.
Marami akong favorite kainin. Depende sa panahon, sa mood, sa environment at syempre sa budget. =)
Tuwing summer, patok ang mga nagtitinda ng halo-halo. Pero maniwala man kayo’t sa hinde, hindi ako mahilig dito. Mas gusto kong kumain ng dirty ice cream na tig-lilimang piso at nasa apa. Para sa iba, ginagawa nila itong palaman sa monay. Mala ice cream cake siguro ang dating kapag nilagay mo siya sa tinapay. Pwede rin ang saging con yelo na gawa ni Mama. Iba kasi ang sarap ng luto ni mama ng minatamis na saging. Work of love siguro ang dahilan kaya namnam na namnam ko ang sarap.
Sa tuwing sasapit naman ang June o tag-ulan, masarap kumain ng Beef mami sa Best Friends. Nakakainis nga dahil nagsara na 'ung branch nila sa tapat ng kalye namen. Parang isang masakit na break-up ang nangyare nang malaman kong wala na ang Best Friends. Kailangan ko pa tuloy pumunta sa ibang kainan na may masarap na mami. Pwede na 'ung nadiskubre kong mami sa Sunog Apog. Malapit lang naman 'yon sa amin kaya walking chorvanes ay pwede na. Gusto ko rin matikman ang mami ng Mamun Luk. Hindi ako sure kung tama ang ispeling dahil umabot ako sa edad na 21 na hindi pa nkakapunta sa pamosong mamihan na yan.
Heto na ang "-ber" month. Malamig ang simoy ng hangin. Simoy pasko ika nga. Masarap humigop ng mainit na kape habang may kasamang pandesal at keso. Maupo ka lang sa veranda ng iyong bahay sa umaga, lumanghap ng mala-simoy paskong hangin kasama ang iyong pinakamamahal na tasa ng mainit na kape, eh tiyak na maganda na ang araw mo. Mahilig ako sa kape, 'un din ang naging inspirasyon ko kung bakit coffee_princess ang pangalan ko sa weblog na ito. Nagkataon na rin sigurong patok ngayon ang telenovelang Coffee Prince ng Korea kaya nabuo ang pangalan ko dito. O sha, balik tayo sa paborito kong kape. Marahil, ang sweet brewed aroma nito ang dahilan kung bakit napapasarap ang bawat higop ko nito.
Syempre, may mga anek-anek din akong paboritong kainin. Finger foods ika nga. Sino ba naman ang hindi makakaalam sa onli in da pilipins na tokneneng. Suki ako dun sa bilihan sa tapat ng St. Joseph school dito sa'men. Sarap na sarap ako sa tokneneng lalo na 'pag sinawsaw sa suka na maraming sibuyas. Hmmm... Nakakagutom...
Paborito ko rin ang siomai. Ang Mama ko ay may lahing intsik kaya napakasarap ng siomai niya. May touch of Filipino's taste pa rin. Kung walang siomai ni Mama, nandyan naman ang dabarkads kong si Siomai House. Isang malaking temptation nga 'un sa mga LRT at MRT stations tuwing mapapadaan ako sa harap niya. Kahit tipong maubos ang pamasahe ko pauwi, ok lang dahil nasiyahan naman ang small intestine ko sa napakasarap na siomai na may jowang malamig na gulaman.
Gusto ko rin ang french fries ng Potato Cuddler. Kung merong barkada size, 'un ang binibili ko. Kaya kong ubusin ang isang tumbler na yon lalo na kung barbecue ang flavor. Tapos may kasama pang Iced coffee jelly ng Mini Stop sa D. Jose branch, tiyak, solb na'ko!
Adik din ako sa bacon bunwich ng Dunkin’ Donuts, lalo na 'pag maraming kamatis at mainit ang buns. Tapos may kasamang iced coffee medium size ('un ang pinakamalaking size, ewan ko ba kung bakit medium ang tawag at hindi large)
At syempre pa, makakalimutan ko ba ang jowa kong si pizza? Hehehe… ang sarap ng melted cheese, pepperoni, beef, mushroom, onions, bell pepper, anchovies… Putek! Nakakagutom talaga. Ewan ko ba sa kaibigan ko nung college kung bakit ayaw niya ng pizza. 99.9% ng kanyang buhay ang nawala dahil hindi siya kumakain ng pizza. Pambihira...

Hindi rin magpapahuli ang shawarma sa Buendia. Dun sa una kong work, naaalala ko pa, bago kami umuwi ng mga ka-officemates ko, kumakain muna kame ng shawarma with extra cheese and sauce. Ibang klase 'ung sarap ng white sauce at hot sauce kapag sumama na sa beef, tomatoes, onions, at kung anu pa mang magical ingredients meron dito. Madalas ang katerno ko dito eh 'ung icy cold apple juice ng Magnolia. Meron din akong ka-officemate noon na ayaw ng shawarma. Amoy pa lang eh nasusuka na siya dito. Haaay… ewan ko sa kanya. Kawawang bata.
O, sha... Sige, kakain muna ko dahil bigla akong nagutom sa pinagsusulat ko.
Note:
*Hindi kailangan ng magarbong kainan o restaurant para masiyahan ako sa pagkaing kinakain ko.
*Nasubukan ko din namang kumain sa mga fine-dining restaurants pero ang article na ito ay sadyang isinulat ko para sa mga snacks o anek-anek na pagkaing hilig ko.
*anek-anek, gay lingo na ang ibig sabihin ay anu-ano
*Nasa office po ako habang sinusulat ko 'to. 4 hours na ang nakakalipas matapos akong kumain ng 39ers sa Jollibee.. =)
Comments