Sakit sa Puso
Umiiyak ako habang tinatype ang blog na 'to. Kaya kung merong typographical error, alam n'yo na kung baket.
Mahirap sabihin ng buong buo kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko, masakit ang puso ko. Kung merong isang bagay na makakapanghina saken, 'yun eh ang malaman kong niloko lang pala ko. Hindi ako bato, poste, pader, o kung anu pa mang bagay para hindi masaktan. Tao ako, nasasaktan, nahihirapan, umiiyak at unti-unting namamatay.
Mahirap sabihin ng buong buo kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko, masakit ang puso ko. Hindi siya ang una kong minahal pero alam ng Diyos na minahal ko siya ng higit sa kung anu pa man. Sa kanya umikot ang mundo ko. Mali na kung mali pero alam kong balewala ang buhay ko kung wala siya. Walang saysay ang mabuhay kung mawawala siya sa mundo ko, sa buhay ko. Marahil buhay ako at nakakagalaw pero buong kaluluwa ko ang patay kung wala na siya sa piling ko.
Mahirap sabihin ng buong buo kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko, masakit ang puso ko. Masaya kami nung una. Palagi kaming may oras para sa isa't isa. Ang isang araw ay hindi kumpleto kung walang kahit saglit na pag-uusap sa aming dalawa. Masaya ako. Masaya siya. Masaya kaming magkasama.
Mahirap sabihin ng buong buo kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko, masakit ang puso ko. Ilang buwan ang nagdaan, sa kung anumang dahilan, nabawasan ang oras niya para saken. Ang araw-araw ay naging kada linggo, naging 2 beses sa isang buwan, naging kada buwan, hanggang sa hindi ko na siya maramdaman. Unti-unti na rin akong namamatay. Hanggang sa nalaman kong, nagiging masaya na pala siya sa piling ng iba.
Mahirap sabihin ng buong buo kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko, masakit ang puso ko. Tinanong ko siya kung may mahal na siyang iba at hindi ko inaasahan na magagalit siya at maiinis saken. Baket daw ako nagdududa. Alam kong hindi ako henyo pero hindi rin naman ako tanga. Mahal ko siya pero alam kong hindi na siya ang dating pag-ibig na naging dahilan kung bakit ako nabubuhay. Hindi na siya ang dating pag-ibig na nagpapakislap sa mga mata kong puro lumbay na lamang ang kakikitaan mo sa ngayon. Nag-iba na siya. Nag-iba na ang mahal niya.
Mahirap sabihin ng buong buo kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko, masakit ang puso ko. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, kung saan ako nagkasala. Kung ang pagmamahal ng sobra-sobra ay masama, napakasalbahe ko pala. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kayang tiisin ang sakit na mabuhay ng wala siya. Sabihin ko man sa sarili kong "kaya ko", alam kong naglolokohan lang kame ng konsensya ko. Hahayaan ko na lamang lamunin ako ng kalungkutan at hinagpis. 'Yun marahil ang tadhana ko.
Mahirap sabihin ng buong buo kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko, masakit ang puso ko. At marahil sa paglipas ng panahon, magiging manhid na lamang ako sa sakit at mamumuhay na may dalang bato sa dibdib ko.
Marahil, alam mo na kung bakit ako umiiyak.

Comments