Sakit sa Puso
Umiiyak ako habang tinatype ang blog na 'to. Kaya kung merong typographical error, alam n'yo na kung baket. Mahirap sabihin ng buong buo kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko, masakit ang puso ko. Kung merong isang bagay na makakapanghina saken, 'yun eh ang malaman kong niloko lang pala ko. Hindi ako bato, poste, pader, o kung anu pa mang bagay para hindi masaktan. Tao ako, nasasaktan, nahihirapan, umiiyak at unti-unting namamatay. Mahirap sabihin ng buong buo kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko, masakit ang puso ko. Hindi siya ang una kong minahal pero alam ng Diyos na minahal ko siya ng higit sa kung anu pa man. Sa kanya umikot ang mundo ko. Mali na kung mali pero alam kong balewala ang buhay ko kung wala siya. Walang saysay ang mabuhay kung mawawala siya sa mundo ko, sa buhay ko. Marahil buhay ako at nakakagalaw pero buong kaluluwa ko ang patay kung wala na siya sa piling ko. Mahirap sabihin ng buong buo kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko, masakit ang pu...