Isang NAPAKAINIT na Araw
Katatapos ko pa lang maligo nang maramdaman kong naiinitan na agad ako. Putek talaga! Napakainit ng panahon. Kawawa naman 'ung mga 'kanong nandito sa Pilipinas. Hindi sila sanay sa ganitong klima at panahon. Summer pa bang maituturing ito? Hinde.. Higit pa 'to sa summer. Para sa'ken, tila ang Pilipinas ay nasa loob ng isang malaking oven. Bine-bake tayong lahat. 'Ung iba piniprito. Deep fried. Haayy... Ano ba 'tong naiisip ko. Kasi naman ang init!!
'Eto na, palabas na ko ng bahay. Europe time ang pasok ko kaya 1:30 pm ang labas ko ng bahay. Good luck sa araw. At kahit nakapayong ako, tagus-tagusan pa rin and init. Kung ang buto ay natutunaw, balat na lang ako ngayon.
Pati sa loob ng tricycle, mainit.. maalinsangan. Sa LRT, naku po! Andaming tao! Mainit na nga, mabaho pa! Siyempre good luck sa mga bagong ligo. Haaayy... Hihimatayin 'ata ako sa loob ng LRT. Pero walang magagawa, kailangan ko ng sumakay at baka ma-late pa ko. Shemai talaga! Whew! Grabe ang ginaw ginaw naman sa loob ng LRT. Sa sobrang ginaw, pinagpapawisan ang buong kaluluwa ko.
Sa wakas, malapit ng mag-Gil Puyat station. Laking ginhawa paglabas ko. Mahangin. Pero heto na naman ang isang challenge... ang pagsakay sa FX taxi.. na may aircon pero parang wala. Hindi pa ko pumapasok, napapaso na ko sa init sa loob ng FX. Maarte na ko kung maarte pero nandidiri akong dumikit sa balat ng mga katabi ko dahil lahat kami naiinitan at pinagpapawisan. To think na maghahalo 'ung body sweats niyo eh more than enough para naman talaga mandiri ka.
15 minutes na lang at makakababa na ko. Haaayy....
Pagbukas ko na pinto ng FX, sabay bumati ang malakas at medyo malamig na hangin. Halos napalanghap ako ng todo-todo sa hangin ng Makati. Compared naman kase sa loob ng FX, mas presko ang hangin sa labas. Buti naman at mahangin dahil maglalakad pa ko ng mga 10 minutes para makapunta sa office.
Pagdating sa building namen, naramdaman ko na ang pag-circulate ng mainit kong dugo. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Dahil siguro sa sobrang init ng panahon, pati bdoy systems ko irritated na. Sakay ng elevator. Sara. Pindot sa 5. Hintay-hintay muna. Bukas. Labas ng elevator. Pagpasok ko ng office, ramdam ko na naman ang init. May aircon naman sa opisina kaso nga lang, siyempre galing ako sa labas kaya init na init ako. Pag-upo ko sa station, tinali ko agad ang buhok ko. Naligo ako sa pulbos para medyo mapreskuhan naman ang balat ko. Humanap ako ng electric fan at sabay humarap dito para magpatuyo ng pawis. Wala na kong pakialam kung magkapulmonya ko sa ginagawa ko, basta ang naiisip ko sa mga oras na iyon ay gusto kong mapreskuhan. Balik ulit sa station. Kinuha ko ang mug ko. Pumunta sa pantry, kumuha ng cold water at nagtimpla ako ng juice. Whew! Sarap.. Refreshing.. Matapos ang ilang minuto, ok na ko. Ok na ang body systems ko. Ok na ang pakiramdam ko.
Balik ulit sa station ko. Yes, salamat naman at magagawa ko na mga pending ko. Open ng CPU at PC. OOopppss... Teka... May isa pang problema. May nagagalit sa'ken. Kasi naman hindi ako kumain ng lunch sa sobrang pagmamadali. Nagagalit ang tiyan ko. Haaayyy.... Makapag-break nga muna..
Comments