Usapang Pagkain
Masarap kumain. Mahirap man o may kaya, anumang estado mo sa buhay, lahat siguro nag-eenjoy sa isang masarap na pagkain lalo na kung kasabay mo ang mga taong mahal mo sa buhay. Marami akong favorite kainin. Depende sa panahon, sa mood , sa environment at syempre sa budget. =) Tuwing summer, patok ang mga nagtitinda ng halo-halo. Pero maniwala man kayo’t sa hinde, hindi ako mahilig dito. Mas gusto kong kumain ng dirty ice cream na tig-lilimang piso at nasa apa. Para sa iba, ginagawa nila itong palaman sa monay. Mala ice cream cake siguro ang dating kapag nilagay mo siya sa tinapay. Pwede rin ang saging con yelo na gawa ni Mama. Iba kasi ang sarap ng luto ni mama ng minatamis na saging. Work of love siguro ang dahilan kaya namnam na namnam ko ang sarap. Sa tuwing sasapit naman ang June o tag-ulan, masarap kumain ng Beef mami sa Best Friends . Nakakainis nga dahil nagsara na 'ung branch nila sa tapat ng kalye namen. Parang isang masakit na break-up ang nangyare nang malaman ko...