Isang NAPAKAINIT na Araw
Katatapos ko pa lang maligo nang maramdaman kong naiinitan na agad ako. Putek talaga! Napakainit ng panahon. Kawawa naman 'ung mga 'kanong nandito sa Pilipinas. Hindi sila sanay sa ganitong klima at panahon. Summer pa bang maituturing ito? Hinde.. Higit pa 'to sa summer. Para sa'ken, tila ang Pilipinas ay nasa loob ng isang malaking oven. Bine-bake tayong lahat. 'Ung iba piniprito. Deep fried. Haayy... Ano ba 'tong naiisip ko. Kasi naman ang init!! 'Eto na, palabas na ko ng bahay. Europe time ang pasok ko kaya 1:30 pm ang labas ko ng bahay. Good luck sa araw. At kahit nakapayong ako, tagus-tagusan pa rin and init. Kung ang buto ay natutunaw, balat na lang ako ngayon. Pati sa loob ng tricycle, mainit.. maalinsangan. Sa LRT, naku po! Andaming tao! Mainit na nga, mabaho pa! Siyempre good luck sa mga bagong ligo. Haaayy... Hihimatayin 'ata ako sa loob ng LRT. Pero walang magagawa, kailangan ko ng sumakay at baka ma-late pa ko. Shemai talaga! Whew! Grabe ang ...